^

PM Sports

Vucinic nagbitiw sa Gilas at Meralco

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Vucinic nagbitiw sa Gilas at Meralco
Nenad Vucinic.

MANILA, Philippines — Nagbitiw na sa puwesto bilang bahagi ng Gilas Pilipinas coaching staff si Nenad Vucinic isang linggo bago ang susunod na kampanya ng koponan sa fourth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Bumaba na rin si Vucinic sa kanyang role bilang team consultant ng Meralco Bolts sa PBA matapos ang kanilang 89-100 kabiguan sa San Miguel Beermen sa Game 7 ng kanilang semifinal series.

Nagpaalam na si Vucinic sa Gilas at Meralco ilang buwan matapos dumating sa bansa noong Pebrero nang kunin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para makatulong sa national team.

Sa parehong buwan siya unang sumalang bilang bahagi ng Gilas coaching staff para sa second window ng Qualifiers sa Smart Araneta Coliseum kontra sa India at New Zealand.

Noong Hunyo ay siya ang nagtimon sa Gilas bilang pansamantalang head coach para sa third window kontra sa parehong mga koponan pati na sa pares ng tune-up games sa South Korea bilang bahagi ng preparasyon.

Sa 2022 FIBA Asia Cup sa Jakarta, Indonesia noong nakaraang buwan ay nagsilbi ulit siyang assistant coach ni head coach at prog­ram director Chot Reyes.

Bahagi ulit sana siya ng coaching staff ni Reyes para sa susunod na window kontra sa Lebanon sa Beirut sa Agosto 25 at sa Saudi Arabia sa Agosto 29 sa MOA Arena sa Pasay City.

Hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng resignation ni Vucinic habang wala pang opisyal na pahayag ang SBP.

Sa tulong ni Vucinic kay head coach Norman Black ay napuwersa ng Bolts ang Beermen sa Game 7 para sa muntikan nilang finals appearance sa unang pagkakataon sa  Philippine Cup.

Bukod kay Reyes, natira sa Gilas coaching staff sina Jong Uichico, Josh Reyes, Goldwin Monteverde at winningest PBA coach na si Tim Cone.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with