^

PM Sports

Rebanse

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Walang isang taon ang lumipas nang nagharap ang TNT at San Miguel Beer sa Game 7 decider upang malaman ang uusad sa finals ng 2021 PBA Philippine Cup.

Sa mainit na three-point shooting nina RR Pogoy, Poy Erram, Ryan Reyes at noo’y super rookie na si Mikee Williams, inilampaso ng Tropang Giga ang mga Beermen at umusad sa title playoff kontra Magnolia Hotshots.

Maaalalang pinatuwad sa playoffs ng TNT ang tatlong  SMC  teams – Barangay Ginebra, SMB at Mag­nolia – tungo sa kampeonato.

Ang banggaang TNT-SMB ang lumalabas na parang championship series dahil lopsided ang TNT-Magnolia finale.

At maraming PBA fans ang naghihintay ng rebanse.

Eto na ngayon ang rebanse dahil maghaharap ang Tropa at Beermen sa Season 47 All-Filipino Finals.

May pagbabago sa mixtures dahil kasama na ngayon sa SMB core sina Vic Manuel, Jericho Cruz, Rodney Brondial at Simon Enciso kahalili nina Arwind Santos at Alex Cabagnot.

Walang pagbabago sa TNT lineup.

Ang tanong eh, kung may babawi o uulit.

Magsisimula ang ka­nilang giyera sa Linggo sa Araneta Coliseum.

At pagkatapos ng ka­nilang bakbakan, parehong maghahanda sa ka­nilang kampanya sa East Asia Super League inaugural tourney,  hahabol sa $1 million grand prize.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with