^

PM Sports

Beermen kakasa sa Tropang Giga sa finals

Russell Cadayona - Pang-masa
Beermen kakasa sa Tropang Giga sa finals
Iniwasan ni SMB guard CJ Perez ang tangkang supalpal ni Meralco center Raymond Almazan sa Game 7.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Ang No. 1 team laban sa No. 2 squad para sa PBA Finals.

Ang malalim na eks­peryensa ang sinandigan ng San Miguel para sibakin ang Meralco, 100-89, sa ‘do-or-die’ Game Seven ng kanilang semifinals duel patungo sa 2022 PBA Phi­lippine Cup Finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Humakot si six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 29 points at 14 rebounds para sa 4-3 pagpapatalsik ng Beermen sa Bolts sa kanilang best-of-seven semis wars.

“Matagal na kaming hindi nakaabot sa Finals eh,” ani Fajardo. “Credit din para sa Meralco sa sobrang ganda ng series, maganda rin iyong game plan nila, pero mas nanaig iyong game plan ni coach Leo (Austria).”

Lalabanan ng San Miguel, nasa kanilang ika-43 Finals stint asam ang pang-28 titulo, ang nagdedepensang TNT Tropang  Giga sa championship series na magsisimula sa Linggo sa Big Dome.

Kaagad kinuha ng Beermen ang 20-6 abante patungo sa pagpoposte ng 20-point lead, 34-14, sa 7:58 minuto ng second period.

Lalo pa nilang ibinaon ang Bolts sa 79-57 galing sa three-point play ni Fajardo kay Raymond Almazan sa 9:42 minuto ng fourth quarter.

Ngunit hindi sumuko ang Meralco matapos makalapit sa 87-96 sa likod nina  Chris Banchero,  A­aron Black at Chris Newsome sa huling 54.3 segundo nito.

Ang inside play ng 6-foot-10 na si Fajardo sa natitirang 35.4 segundo ang sumelyo sa panalo ng San Miguel.

 

 

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with