^

PM Sports

EASL Final Four idaraos sa Manila

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa Maynila idaraos ang Final Four ng East Asia Super League (EASL) Season 1 sa Marso 3 at 4 pati ang Finals sa Marso 5.

Itatampok sa nasabing mga petsa ng inaugural home-and-away season ng EASL ang dalawang semifinals matches, isang music festival at ang championship game.

“We couldn’t ask for a better city to host the first EASL Final Four. I would like to thank the local government authorities, our colleagues at the Philippine Basketball Association (PBA), and the Filipino fans for welcoming us,” ani EASL CEO Matt Beyer.

Wala nang pre-departure o on-arrival COVID testing maski ang mga dating ginagawang quarantine para sa mga fully vaccinated travelers.

Ang EASL ang magsisilbing warm-up event para sa 2023 FIBA World Cup na pamamahalaan ng Pilipinas, Japan at Indonesia.

Isa na ang TNT Tropang Giga na nabigyan ng PBA berths para katawanin ang bansa sa kick-off season na didribol sa Oktubre 12 matapos makapasok sa Philippine Cup Finals.

Ang reigning champion na Seoul SK Knights at runner-up na Anyang KGC ang lalaban para sa Korean Basketball League (KBL) habang isasabak ng P. League + of Chinese Taipei ang Taipei Fubon Braves.

Ipapadala ng Japan B. League ang Utsunomiya Brex at Ryukyu Golden Kings at isasalang ng Greater China ang Bay Area Dragons.

EASL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with