^

PM Sports

Carlos malaki ang pasalamat sa Creamline

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malaki ang pasasalamat ni Tots Carlos sa tiwa­lang ibinigay sa kanya ng Creamline Cool Smashers na sariwa pa sa kam­peonato sa Premier Volleyball Lea­gue (PVL) Invitational Conference.

Kaya naman sinuklian ito ni Carlos ng magandang performance upang matulungan ang Cool Smashers na maabot ang inaasam na back-to-back titles sa PVL.

“Siyempre I’m really happy and grateful for my teammates and my coaches. Natulungan nila ako makamit ito,” ani Carlos.

Dahil sa kanyang matikas na ipinamalas, napasa­kamay ni Carlos ang PVL Invitational Conference Most Valuable Player award gayundin ang Best Opposite Spiker plum.

Ito ang ikalawang sunod na MVP trophy ni Carlos matapos masikwat ang parehong parangal sa PVL Open Conference noong summer.

Nagpasalamat ito sa kanyang coaches at teammates na gumagabay sa kanya.

“Like what I always say, hindi naman ako maggo-grow, hindi naman ako magiging, I can say mature enough to, you know, play in this kind of competition kundi dahil sa tiwala ng mga coaches and teammates ko so I’m really grateful,” ani Carlos.

Umaasa si Carlos na magtutuluy-tuloy ang magandang ratsada ng Cool Smashers na itinuturing na nitong kanyang pamilya.

At handa si Carlos na ibigay ang lahat upang mu­ling dalhin ang Creamline sa panibagong  kampeonato.

 

PREMIER VOLLEYBALL LEA­GUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with