^

PM Sports

Depensa ginamit ng TNT sa pagpasok sa finals

Russell Cadayona - Pang-masa
Depensa ginamit ng TNT sa pagpasok sa finals
Dumepensa si TNT Tropang Giga big man Troy Rosario sa atake ni Calvin Abueva ng Magnolia sa Game 6.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Naglaban ang nagdedepensang TNT Tropang Giga at Magnolia sa loob ng dalawang oras at 24 minuto sa pisikal na Game Six at natawagan ng pinagsamang 58 fouls kasama ang tig-isang technical kina coaches Chot Reyes at Chito Victolero.

Ganito kabigat ang pinagdaanan ng Tropang Giga bago talunin ang Hotshots, 87-74, para umabante sa kanilang ikatlong sunod na PBA Philippine Cup Finals noong Linggo.

“The intensity,  it’s just off the charts. And the intensity lends to pas­ºsionate and phy­sical play,” ani Reyes sa 4-2 pagsibak ng kanyang TNT sa Magnolia sa kanilang best-of-seven semifinals series. “But we’re careful to draw the line.”

“I always tell my players, if you make a foul, this is the playoffs. There are playoff fouls. Nothing dirty, nothing meant to hurt,” dagdag ng 59-anyos na mentor.

Ang depensa ang ginamit ng Tropang Giga para sa pagsasara ng kanilang duwelo ng Hotshots bukod sa pagbibida ni veteran guard Jayson Castro.

“It was just the players resolving not to allow the players of the other team to outwork them. And I think the best manifestation of effort is defense,” sabi ni Reyes.

Tumapos si Castro na may game-high na 26 points para banderahan ang TNT na sasagupa sa mananaig sa ‘do-or-die’ Game Seven ng San Miguel at Meralco bukas.

Sinabi ni Reyes na wala siyang itulak-kabigin kung sino ang gusto  niyang makalaban sa best-of-seven championship series.

“It’s going to test our versatility because each team presents a different problem,” wika ng nine-time PBA champion coach.

 

TNT TROPANG GIGA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with