^

PM Sports

Creamline tutok na sa AVC CUP

Chris Co - Pang-masa
Creamline tutok na sa AVC CUP
Conference MVP Tots Carlos

MANILA, Philippines — Sesentro na ang atensiyon ng Creamline sa pagi­ging kinatawan ng bansa sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women na hahataw mula Agosto 21 hanggang 29 sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Nakuha ng Cool Sma­shers ang karapatang ma­ging representative sa AVC tournament matapos magkampeon sa katatapos na Premier Volleyball League (PVL) Invitational Confe­rence sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Inilampaso ng Creamline ang foreign guest team na King Whale Taipei upang masiguro ang kanilang ikalawang sunod na kampeonato sa liga.

Kaya naman nagha­handa na ang Cool Sma­shers sa AVC Cup kung saan nangako si Creamline team captain Alyssa Valdez na gagawin ng kanilang tropa ang lahat para makapagbigay ng magandang laban.

“We’re looking forward to AVC. We’re very limited in terms of preparation and we’re not told about this one right away but we’re just gonna give our best and hopefully all the Filipinos, all the volleyball supporters will be there to support us and welcome all the other teams,” ani Valdez.

Ang Philippine national team na binubuo ng mga players mula sa UAAP champion National University sana ang magiging kinatawan ng bansa sa AVC.

Subalit tinanggal ng PNVF sa lineup ang mga NU players matapos tumanggi ang pamunuan ng unibersidad na palaruin ang mga players nito sa PVL Invitational Conference bilang guest team.

Kaya naman nagdesis­yon ang PNVF na ang pinakamataas na local team sa PVL Invitational Confe­rence na lamang ang maging representative sa AVC Cup.

Mapapalaban ang Cool Smashers dahil makakasama nito sa Group A ang po­werhouse teams South Korea, China, Iran at Vietnam.

“I’m very excited for e­veryone in the team because not all of us are exposed (to international play) or have been given the chance to play for the national team,” ani Valdez.

Maganda aniyang oportunidad ito sa kanilang team para magkaroon ng international exposure.

ASIAN VOLLEYBALL CONFEDERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with