^

PM Sports

Black dynamics

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Bago harapin ang kanyang mga kaibigan sa kanyang munting birthday umpukan, namalas muna ni veteran sports scribe Tito Talao ang klasikong panalo ng Meralco kontra San Miguel Beer sa Game 6 ng kanilang all-Filipino semifinal duel.

Bida si Aaron Black dahil sa kanyang 11-point endgame splurge na nagsalba sa nagbabantang pagtatapos ng finals dream ng mga Bolts.

Siyempre, hinding-hindi malalampasan sa kuwentuhan ang pagbibida ni Aaron.

Pero higit sa kahit anong mabigat na basket na bini­tawan ni Aaron, mas mabigat na puntos ang itinaas ng birthday celebrator kaharap ang mga nakababatang sportswriters.

“Tingnan ninyo iyong dynamics ng mag-amang Black,” ani TST sa muling pagpapakita ng talas ng mata sa pagmamasid sa larangan ng palakasan.

Tunay nga naman na hindi lang lumalaban si Aaron para sa kanyang sarili at kanyang koponan, higit pa dito ang paglaban para sa laban ng kanyang coach at tatay na si Norman.

Susuko ang lahat sa koponan ng Meralco pero hindi ang batang Black.

At eto ang karagdagang bigat ng koponang Meralco sa pagpasok ni Aaron sa tropa ni Norman.

Sa kanilang kasalukuyang pakikipagsalpukan sa San Miguel, dehado ang mga Bolts sa pakikiharap kay June Mar Fajardo at ang kabuuan ng powerhouse SMB team.

Pero nadala ng mga Bolts ang serye sa deciding Game 7. Magkakaalam kung kanino ang huling ha­lakhak bukas sa Big Dome.

 

SAN MIGUEL BEER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with