^

PM Sports

Tropang Giga swak sa finals

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ayaw nang maglaro ng nagdedepensang TNT Tropang Giga sa Miyerkules, habang pumuwersa ng Game Seven ang Meralco.

Inangkin ng Tropang Giga ang Finals berth matapos sibakin ang Magnolia Hotshots, 87-74, sa Game Six ng kanilang 2022 PBA Philippine Cup semifinals series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Itiniklop ng TNT sa 4-2 ang kanilang best-of-seven showdown ng Magnolia para umusad sa ikatlong sunod nilang All-Filipino Cup championship stint.

“In the end it’s all about effort and our desire to win,” sabi ni coach Chot Reyes na nakahugot kay Jayson Castro ng 26 points habang may 15 at tig-14 markers sina Mikey Williams, Glenn Khobuntin at RR Pogoy, ayon sa pagkakasunod.

Nagposte rin si Pogoy ng 5 blocks para sa Tropang Giga na ibinaon ang Hotshots sa 83-72 sa huling 1:53 minuto ng final canto.

“Iyon ang mentality ko to win another championship and at the same time iyong legacy ko dito iyon ang gusto kong maging e­xample para sa mga dara­ting na players dito,” ani Castro.

Isinalpak ni Castro ang krusyal na triple sa hu­ling 2:49 minuto ng fourth quarter para ilayo ang TNT sa 80-72 kasunod ang fastbreak basket at dalawang free throws ni Pogoy para ibaon ang Magnolia sa 83-72 sa huling 1:53 minuto.

Sa unang laro, humirit ang Bolts ng ‘do-or-die’ Game Seven sa San Miguel Beermen matapos agawin ang 96-92 panalo.

Humugot si Aaron Black ng 11 sa kanyang 17 points sa final canto para itabla ang Meralco sa 3-3 sa kanilang semis wars ng San Miguel.

“It’s a big step for our franchise,” sabi ni coach Norman Black. “Now we just have to dig deeper to get there because we know we’re up against a tough team.”

vuukle comment

TROPANG GIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with