^

PM Sports

2022 BNTV Cup 7-Stag Derby Finals ngayon sa Big Dome

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang pinakahihintay na kampeonato ng 2022 BNTV Cup 7-Stag Derby ay magaganap ngayong Lunes (Agosto 15) sa Smart Araneta Coliseum tampok ang 150 maaksyong labanan simula alas-12 ng tanghali.

Ang BNTV Cup, isang ‘early bird’ na edisyon ng stag fighting kung saan ang mga stag ay pinalaki at inihanda noong Oktubre at Nobyembre, at na-banded nitong Enero, at kalaunan ay lumaban noong Hulyo at Agosto, ay magbabalik hatid ang mas mahusay at mas kapana-panabik na aksyon matapos ang mahabang pahinga dulot ng pandemya.

Binuo at nasa promosyon ng cockfights television program hosts na sina Joey Sy & Eddie Boy Ochoa ng Bakbakan Na kasama ang magkapatid na Joseph & Peter Chua at Cockfights Magazine publisher Wilvin Sy, ang BNTV Cup ay naghain ng mga hindi malilimutang stag fighting events mula noong una itong ipinakilala at tuwina’y nakakalikha ng marka sa bilang ng mga kalahok.

SMART ARANETA COLISEUM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with