^

PM Sports

TNT muling kakatok sa finals

Russell Cadayona - Pang-masa
TNT muling kakatok sa finals
Sinupalpal ni TNT Tropang Giga center Poy Erram ang jumper ni Calvin Abueva ng Magnolia sa Game 5.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Muling susubukan ng nagdedepensang TNT Tropang Giga na maibulsa ang championship ticket, habang determinado ang Magnolia na makatabla.

Magtutuos ang Tropang Giga at Hotshots ngayong alas-6:30 ng gabi sa krusyal na Game Six ng 2022 PBA Philippine Cup semifinals series sa Smart Araneta Coliseum.

Pinigilan ng Magnolia ang pagpasok ng TNT sa ikalawang sunod na finals appearance matapos kunin ang 105-97 panalo sa Game Five para makadikit sa 2-3 sa kanilang best-of-seven duel.

“Dapat lahat kami aggressive dahil down kami, kailangan naming kumuha ng momentum start pa lang ng game,” sabi ni Hotshots’ guard Mark Barroca na humataw ng 25 points sa pagdiskaril sa hangarin ng Tropang Giga.

Tatlong beses nagposte ang Magnolia ng 16-point lead bago nakadikit ang TNT sa 94-99 sa huling 2:47 minuto ng fourth period.

“We just have to give credit to all the players, you know our backs are against the wall, do-or-die, pero iyong mental toughness nila nandoon,” ani Hotshots’ coach Chito Victolero.

Isang panalo lang ang kailangan ng Tropang Giga para makabalik sa cham­pionships series ng All-Filipino tournament na pinagharian nila noong nakaraang taon.

Sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon ay pupuntiryahin ng San Miguel ang Finals berth sa pagharap sa Meralco matapos kunin ang 89-78 panalo sa Game Five para sa 3-2 bentahe.

“We still have to play our best and you’ll never know what will happen especially against Meralco,” sabi ni Beermen mentor Leo Austria sa Bolts ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black.

 

TNT TROPANG GIGA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with