^

PM Sports

Creamline, King Whale agawan sa PVL crown

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pag-aagawan ng Creamline at King Whale Taipei ang korona ng PVL Invitational Conference sa pag­larga ng finals ngayong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakatakda ang mu­ling paghaharap ng Cool Smashers at King Whale sa alas-5:30 ng hapon sa winner-take-all match habang maghaharap naman ang Cignal at PLDT Home Fibr sa alas-2:30 ng hapon sa battle-for-bronze game.

Aminado ang King Whale na mapapalaban ito ng husto kaya’t inaasahang ilalatag din nito ang lahat ng alas nila para makuha ang kampeonato.

Sasandalan ng King Whale si Brazilian import Beatriz Flavio de Carvalho na kumana ng 24 puntos mula sa 19 attacks, tatlong aces at dalawang blocks laban sa Cool Smashers.

Makakatuwang ni Carvalho sina Chen Li-Jun at Chang Chih-Hsuan na may double digits din sa kanilang huling laro.

Nasikwat ng King Whale ang pahirapang 25-15, 17-25, 25-22, 24-26, 15-5 panalo laban sa Cool Smashers sa kanilang unang paghaharap noong Biyernes.

Bangas ang lineup ng Creamline sa naturang laro matapos hindi masilayan sa aksyon sina starting players Jema Galanza at Jeanette Panaga.

Nagtamo pa ng sprain si team captain Alyssa Valdez sa huling bahagi ng third set.

Ngunit sa pagpasok ng finals, inaasahang ibubuhos na ng Creamline ang buong puwersa nito para masiguro ang ikalawang sunod na korona sa liga matapos pagreynahan ang Open Conference noong summer.

Samantala, magarbong tinapos ng King Whale ang semifinal round matapos pataubin ang Cignal sa pamamagitan ng 25-18, 15-25, 25-21, 25-22 desisyon.

May 4-0 rekord ang King Whale habang bagsak sa 1-3 ang HD Spikers.

CREAMLINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with