^

PM Sports

Gilas youth sasalang sa FIBA U18 Asian Championships

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bago ang Gilas Pilipinas men’s team ay una munang mapapalaban ang Gilas youth sa 2022 FIBA Under-18 Asian Championship sa Tehran, Iran sa Agosto 21-28.

Nasa Group C ang Nationals ayon sa official draw kahapon kasama ang Syria, Qatar at Chinese Taipei.

Lalabanan ng Gilas youth squad ang Syria sa Agosto 21 kasunod ang Qatar sa Agosto 22 at ang Chinese Taipei sa Agosto 23.

Nasa Group A naman ang Iran, Japan at Lebanon habang magsasabong sa Group B ang China, South Korea at India.

Dahil 10 lang ang kasa­ling koponan ngayon, ang Top 8 teams ayon sa cumulative rankings pagkatapos ng group phase ang aabante sa knockout quarterfinals.

Ito ang pagbabalik ng U18 Asian Championship sa gitna ng pandemya matapos ang huling edisyon noong 2018 sa Thailand.

Doon ay nakapasok sa Final Four ang Gilas kasama ang mga powerhouse teams na Australia, New Zealand at China sa pangunguna ni Gilas men’s team ace Kai Sotto.

Ito ang nais duplikahin o lagpasan ng bagong Gilas U18 team na gagabayan muli ni head coach Josh Reyes.

Upang maisakatuparan ang misyon ay sasandal si Reyes kina Kyle Gamber at Mason Amos ng Ateneo kasama sina Mur Alao at EJ Abadam ng La Salle.

Nasa koponan din sina Kobe Demisana ng UPIS, LA Andres at Joshua Co­ronel ng La Salle, Seven  Gagate, Ethan Allen at Luis Pablo ng La Salle-Greenhills, James Nacua ng San Beda-Taytay at Ramon Salvoro ng Sacred Heart School-Ateneo de Cebu.

Noong Hunyo ay nagbalik-aksyon din ang Gilas U16 sa pamumuno ni Caelum Harris sa 2022 FIBA Asia U16 sa Doha, Qatar kung saan nagtapos sila sa 7th place.  

FIBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with