^

PM Sports

Green Archers, Skippers pakay ang Finals

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pipilitin ng Marinerong Pilipino na mawalis ang Apex Fuel-San Sebastian sa kanilang semifinals series para umusad sa Finals ng 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup.

Tangan ang 1-0 lead, lalabanan ng Skippers ang Golden Stags ngayong alas-12 ng tanghali sa Game Two ng kanilang best-of-three showdown sa Smart Araneta Coliseum.

Umiskor ang Marinero ng 74-66 panalo sa Apex Fuel-SSC sa Game One kung saan kumamada si Juan Gomez de Liaño ng 16 points, 10 rebounds at 7 assists.

“Preparation talaga iyong key para sa amin,” ani Skippers’ coach Yong Garcia. “Laging nandyan iyong kumpyansa but kaila­ngan namin gawin ng maayos iyong game plan namin at nagsisimula lahat iyon sa preparation namin.”

Hangad ng tropa ni Garcia na makabalik sa Finals matapos sumegunda sa nagharing BRT Sumisip-St. Clare noong 2019 Foundation Cup.

Sa unang laro sa alas-10 ng umaga ay pakay din ng EcoOil-La Salle na ma-sweep ang Adalem Construction-St. Clare sa kanilang semis duel matapos ang 89-74 tagumpay sa Game One.

“We’re here to learn and if we have to close out games, we have to work on that,” ani coach Derrick Pumaren sa pagsagupa ng kanyang  tropa  sa Saints.

GREEN ARCHERS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with