^

PM Sports

King Whale vs Creamline sa finals

Chris Co - Pang-masa
King Whale vs Creamline sa finals
Hinatawan ni Alyssa Valdez ng Creamline ang depensa nina Liao Yi-Yen at Wang Yu-Wen ng King Whale Taipei.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Kinailangan ng King Whale Taipei ng malakas na puwersa bago itakas ang pukpukang 25-15, 17-25, 25-22, 24-26, 15-5 panalo laban sa Open Conference champion Creamline para masiguro ang puwesto sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Lumamang ang Cool Smashers sa net defense matapos kumana ng siyam na blocks laban sa dalawa lamang ng King Whale.

Ngunit naglunsad ng matatalim na atake ang King Whale sa attack line para makakuha ng 69 kills kumpara sa 55 ng Cool Smashers.

Nakaabante pa ang Taiwanese squad sa service area (7-4).

Nakagawa ang Cool Smashers ng 28 errors sa larong tumagal ng dalawang oras at limang minuto.

Nasandalan ng King Whale si Brazilian import Beatriz Flavio de Carvalho matapos humataw ng 24 puntos mula sa 19 attacks, tatlong aces at dalawang blocks.

Nanatiling malinis ang rekord ng King Whale tangan ang 3-0 baraha.

Nakakuha ng solidong suporta si Carvalho mula kay Chen Li-Jun na bumanat ng 17 hits at pitong receptions habang nagdagdag naman si Chang Chih-Hsuan ng 14 puntos at 12 digs.

Tinapos ng Cool Smashers ang semis bitbit ang 3-1 baraha.

Naramdaman ang pagkawala ni team captain Alyssa Valdez na nagtamo ng sprain sa huling bahagi ng third set.

Umiskor  lamang si Open Conference MVP  Tots  Car­los ng 15 puntos — malayo sa kanyang 20-plus produksiyon sa mga nakalipas na laro ng kanilang tropa.

Bago magtamo ng sprain, nakalikom muna si Valdez ng 11 puntos habang umani rin si opposite spiker Michele Gumabao ng 11 hits.

Hindi rin naglaro si Jema Galanza subalit magandang kapalit si Rosemarie Vargas na kumana ng siyam na puntos, 20 receptions at 10 digs.

Gayunpaman, hindi ito sapat para makuha ng Cool Smashers ang panalo.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with