^

PM Sports

SMB dikit na sa Finals; TNT bigo sa Magnolia

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Humakbang ang San Miguel papalapit sa PBA Finals, habang humirit pa ang Magnolia sa kani-kanilang 2022 PBA Philippine Cup semifinals series.

Niresbakan ng Beermen ang Meralco Bolts, 89-78, at binalikan ng Hotshots ang nagdedepensang TNT Tropang Giga, 105-97, sa Game Five kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ang tatlong free throws at krusyal na jumper ni Rodney Brondial sa dulo ng final canto ang nagbigay sa SMB ng 3-2 lead sa best-of-seven duel nila ng Meralco.

“We just run our plays and the kind of defense, we did not adjust,” wika ni coach Leo Austria na nakahugot kay CJ Perez ng 25 points. ”

Inilista ng Beermen ang 71-56 abante sa pagbubukas ng third quarter bago ito napababa ng Bolts sa 76-78 buhat sa triple ni Allein Maliksi sa 3:07 minuto ng fourth period.

Bumida naman si Brondial para sa SMB at mu­ling iniwanan ang Meralco sa 84-76 sa huling 1:01 minuto ng laro.

Sa unang laro, diniskaril ng Magnolia ang pag-usad ng TNT sa PBA Finals para idikit sa 2-3 ang kanilang serye.

“We did a good job in defense. Sabi ko nga wala kaming babaguhin sa defense namin. We’re here because of our defense,” ani Hotshots coach Chito Victolero. “Wala kaming dapat i-celebrate kasi we’re still down in the series.”

 

 

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with