^

PM Sports

Asia’s sprint queen pumanaw na

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nahinto na ang karera ni dating Asia’s sprint queen Lydia de Vega sa edad na 57-anyos.

Bandang alas-10 ng gabi noong Miyerkules ay binawian ng buhay ang athletics legend matapos ang halos apat na taong pakikipaglaban sa breast cancer.

“On behalf of our family, it is with absolute grief that I announce the death of my mother, Lydia de Vega this evening, August 10, 2022, at the Makati Medical Center,” ani Stephanie Mercado-de Koenigswarter sa kanyang Facebook post.

Noong 2018 ay na-­diagnosed si de Vega na may breast cancer at sumailalim sa isang surgery noong nakaraang buwan at nalagay sa “very critical condition”.

Produkto si ‘Diay’ ng Gintong Alay program ni Michael Keon kung saan niya nakopo ang mga gold medals sa 200-meter at 400-meter run noong 1981 Southeast Asian Games sa sa edad na 16-anyos.

Matapos ito ay itinakbo ng tubong Meycauayan, Bulacan ang ginto sa 100m dash sa 1982 at 1986 Asian Games na nagbinyag sa kanya bilang ‘Asia’s sprint queen’.

Sa kabuuan ng kanyang athletics career ay kumolekta si de Vega ng kabuuang 15 golds kung saan ang siyam rito ay sa SEA Games, apat sa Asian Athletics Championships at dalawa sa Asian Games.

Sa isa sa pinakahuli ni­­yang kompetisyon ay inangkin ni de Vega ang mga ginto sa 100m at 200m noong 1993 SEA Games sa Singapore.

Tumakbo rin si de Vega sa Olympic Games sa Los Angeles (1984) at Seoul (1988).

Ang pinakahuling public appearance ng Pinoy sports icon ay sa opening ceremony ng 2019 SEA Games.

 

BREAST CANCER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with