Stags, Skippers agawan sa 1-0 lead
MANILA, Philippines — Sisimulan ng Apex Fuel-San Sebastian at Marinerong Pilipino ang kanilang 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup best-of-three semifinals series sa Smart Araneta Coliseum.
Magtutuos ang Golden Stags at Skippers sa Game One ngayong alas-9 ng umaga kasunod ang bakbakan ng EcoOil-La Salle Green Archers at Adalem Construction-St. Clare Saints sa alas-11 ng tanghali.
“Mabigat pa rin silang kalaban kaya dapat prepared pa rin kami lalo na sa depensa,” ani Apex-SSC coach Egay Macaraya sa Marinero na tumalo sa kanila sa eliminasyon, 86-64.
Paglalabanan din ng EcoOil-La Salle at Adalem-St. Clare ang 1-0 bentahe sa kanilang semifinals showdown.
- Latest