^

PM Sports

Katok sa finals door

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Patuloy bang sasalantahin ng TNT Tropang Giga ang Magnolia at uulitin ang panalo sa kanilang 2021 PBA Philippine Cup Finals showdown?

Dahil sa game-winning three-pointer ni Jayson Castro noong Game 3 at second-half domination noong Game 4, kumakatok na ang Tropang Giga sa pintuan ng best-of-seven finale.

Mabigat na ang pagdaraanan ng mga Hotshots kung maaagaw pa nila ang serye.

Mas malamim ang frontline rotation ng TNT, at dahil lumalamang din sa laban sina Mikey Williams,  Jayson Castro at RR Pogoy kontra kina Paul Lee, Mark Barroca at Jio Jalalon, nakausad sa tarangkahan ng title playoff ang tropa ni coach Chot Reyes.

Idagdag pa sa problema ni Magnolia coach Chito Victolero ang mga early fouls na nakukuha ni Calvin Abueva. Dahil dito, hindi siya makabuhos ng premium performance.

At baligtad ang nangyari sa inaasahan. Ang San Miguel-Meralco series ang dikit, at alagwa ang TNT kontra Magnolia sa kabilang serye. Wild momentum swing ang nakikita sa labanan ng Beermen at Bolts.

Matapos muling makabawi ng Meralco at makatabla sa 2-2 noong nakaraang gabi, nakikitang labanan na ng puso at determinasyon ang magde-decide ng series.

Kung patuloy na makakapag-ambag ang frontline ni coach Norman Black, may tsansa silang ma-upset ang San Miguel at makatuntong sa unang all-Filipino finals.

Para sa maraming nagmamasid, nanatiling liyamado sina June Mar Fajardo at mga kasama.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with