^

PM Sports

Ayo wala pang kontrata sa Converge

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Wala pang pirmahan ng kontrata sa pagitan ng Converge at ni veteran mentor Aldin Ayo.

Ito ang mismong kinumpirma ni Ayo matapos pumutok ang balitang kinuha ito ng Converge bilang head coach kapalit ni dating mentor Jeffrey Cariaso.

Masaya si Ayo na ikinukunsidera ito bilang head coach ng Converge.

Subalit wala pa itong pinal na desisyon.

Naging kontrobersiyal si Ayo nang pumutok ang Sorsogon bubble kasama ang University of Santo Tomas.

Nilisan ni Ayo ang kampo ng Growling Tigers habang pinatawan ito ng indefinite ban ng UAAP.

Noong 2020, kinuha ng Chooks-to-Go si Ayo bilang consultant ng Pilipinas 3x3.

Kamakalawa, pumutok ang bali-balitang kukunin ng Converge si Ayo.

Ayon sa ilang sources, nagkausap lamang sa telepono sina Converge owner Dennis Uy at Ayo subalit walang naisarang kontrata.

Dinala ni  Ayo sa kampeonato ang Colegio de San Juan de Letran sa NCAA habang binigyan din nito ng korona ang De La Salle University sa UAAP.

vuukle comment

CONVERGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with