^

PM Sports

3-1 lead itatagay ng SMB

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pipilitin ng San Miguel na mailapit ang sarili para sa championship berth sa pagsagupa sa Meralco sa Game Four ng 2022 PBA Philippine Cup semifinals series.

Nakatakda ang bakbakan ng Beermen at Bolts ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang salpukan ng nagdedepensang TNT Tropang Giga at Magnolia Hotshots sa alas-6 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Inagaw ng San Miguel ang 2-1 lead sa kanilang best-of-seven semis duel ng Magnolia matapos kunin ang 96-91 panalo sa Game Three noong Linggo.

Humataw si CJ Perez ng 26 points para banderahan ang Beermen habang humakot si six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 21 points, 16 rebounds at 2 blocks.

“Napakahirap silang ta­lunin,” ani coach Leo Austria sa Bolts. “You can’t blink as they’re well prepared and they know what to do. We’re lucky we have big men who can pound them at the post.”

Ang magandang outside shooting naman ang magpapanalo sa Meralco para makatabla sa San Miguel sa serye.

“We have to shoot well against this team because they have such a big advantage inside. If we don’t shoot well, we will have a hard time beating them,” sabi ni mentor Norman Black.

Sa ikalawang laro, sasakyan ng TNT ang kanilang dramatikong 93-92 pagtakas sa Magnolia sa Game Three para iposte ang 3-1 bentahe sa serye.

Isinalpak ni veteran guard Jayson Castro ang kanyang game-winning three-point shot sa huling 2.4 segundo para ilusot ang Tropang Giga sa Hotshots.

“Siyempre, series ito. Game of adjustments. Ma­galing din naman siyempre ang Magnolia kaya lagi silang nasa playoffs at semifinals,” ani Castro. 

 

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with