^

PM Sports

King Whale nakalusot sa PLDT

Chris Co - Pang-masa
King Whale nakalusot sa PLDT
Nadepensahan nina Dell Palomata at Jules Samonte ng PLDT ang kill ni Chang Chih-Hsuan ng King Whale ng Chinese Taipei.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Kinailangan ng King Whale Taipei na maglatag ng malakas na puwersa sa huling sandali ng laro bago itakas ang pahirapang 23-25, 25-20, 25-23, 20-25, 15-13 panalo laban sa PLDT Home Fibr kahapon sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Apat na players ng King Whale ang nagtala ng double digits sa pangunguna ni Brazilian import Beatriz Flavio de Carvalho na umiskor ng 19 puntos mula sa 15 attacks, tatlong blocks at isang ace.

Nagdagdag naman si Chen Li-Jun ng 13 puntos kabilang ang mga krusyal na hits sa fifth set para tulungan ang King Whale na makuha ang ikalawang sunod na panalo.

Naramdaman din ang puwersa ni Chen Chieh na naglatag ng 11 markers gayundin si Tsai Qin-Yao na umani naman ng 10 hits para sa King Whale.

Abot-kamay na ng High Speed Hitters ang panalo nang makuha nito ang 12-8 kalamangan sa fifth set.

Subalit umarangkada ang King Whale sa pa­ngu­nguna nina Li-Jun at Tsai kung saan nagpasabog ito ng 5-1 run na sinabayan pa ng attack error ni Chin Chin Basas para maagaw ang bentahe sa 14-12.

Nagawang makadikit ng High Speed Hitters sa 13-14 mula sa down-the-line hit ni Jovie Prado ngunit isang krusyal na error ang naitala ni middle blocker Mika Reyes sa service area para tuluyang ipaubaya sa King Whale ang panalo.

“We just kept doing our best. It’s our second game here and we’re more fami­liar with the play here,” ani Chieh sa pamamagitan ng isang interpreter.

Nasayang ang 19 puntos na pinaghirapan ni middle blocker Dell Palomata para sa PLDT gayundin ang 17 puntos ni Reyes at 16 ni Jules Samonte.

PLDT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with