^

PM Sports

Obiena 4th lang sa Hungary

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi araw-araw Pasko para kay Tokyo Olympics veteran Ernest John Obiena.

Matapos ang sunud-sunod na podium finishes kay Obiena, bigo itong makahirit ng medalya sa 12th Gyulai Istvan Memorial na ginanap sa Hungary.

Nagkasya lamang ang Asian record holder sa ikaapat na puwesto matapos magsumite ng mababang 5.45 metro.

Matapos ma-clear ang naturang marka sinubukan ni Obiena ang 5.60 metro. Bigo ito.

Sa kanyang huling attempt, mas mataas ang inilatag ni Obiena kung saan tinalon nito ang 5.70m.

Ngunit kinapos ang Pinoy bet sa kanyang dalawang pagtatangka para mahulog sa ikaapat na puwesto.

Tila tumatama na ang pagod para kay Obiena na galing sa dalawang sunod na torneo bago magtungo sa Hungary.

Matatandaang nakatanso ito sa World Championships sa Oregon sa Amerika at isa pang tanso sa Silesia Diamond League sa Poland noong Biyernes.

Hindi rin nakaligtas ang iba pang world-class pole vaulters.

Nagkasya lamang ang world record holder na si Armand Duplantis ng Sweden sa 5.80 metro para masikwat ang gintong medalya.

 Malayo ito sa six-meter average na naita­tala ng Swedish star sa mga naunang torneo.

Napasakamay nina France bets Renaud Lavillenie (5.70m) at Thibaut Collet (5.60m) ang pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod. 

ERNEST JOHN OBIENA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with