^

PM Sports

Semis spot paglalabanan ng Tigers at Saints

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pag-aagawan ng No. 3 Adalem Construction-St. Clare at No. 6 Buil­ders Warehouse-UST ang ikaapat at huling semifinals seat sa 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nakatakda ang ‘do-or-die’ quarterfinals game ng Saints at Growling Tigers ngayong alas-11 ng umaga.

Pinuwersa ng Buil­ders Warehouse-UST ang Adalem-St. Clare, may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage, sa ‘sudden death’ matapos kunin ang 98-93 panalo tampok ang 35 points ni rookie Kean Baclaan.

Ang mananalo ang lalaban sa No. 2 EcoOil-La Salle sa isang best-of-three semifinals series.

“St. Clare is a champion team kaya hindi kami puwedeng mag-relax,” wika ni Growling Tigers interim coach Albert Alocillo  “Ipagpapatuloy lang namin iyong trabaho at magpe-prepare lang kami.”

Pilit namang kakalimutan ng Saints ni coach Jinino Manansala ang nasabing kabiguan.

Muling aasahan ng Builders Warehouse-UST sina Baclaan, Sherwin Concepcion at Nic Cabanero katapat sina NAASCU MVP Johnsherick Estrada, Joshua Fontanilla at John Rojas ng Adalem-St. Clare.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with