^

PM Sports

Ayo pinalitan si Cariaso sa FiberXers

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dadalhin ni two-time college champion coach Aldin Ayo ang kanyang pamosong ‘Mayhem’ defense sa Converge sa dara­ting na 2022 PBA Commissioners Cup simula sa Oktubre 2.

Ito ay matapos niyang palitan si Jeffrey Cariaso bilang head coach ng FiberXers.

Ang nasabing depensa ang ginamit ng 44-anyos na si Ayo sa paggiya sa Letran Knights sa NCAA crown noong 2015 at sa De La Salle Green Archers sa UAAP title noong 2016.

Makakasama ulit ng da­ting Letran guard sa kampo ng FiberXers sina Jeron Teng at Abu Tratter na hina­wakan niya sa La Salle team.

Matapos sa Knights at Green Archers ay giniyahan ni Ayo ang UST Growling Tigers noong 2018 bago nagbitiw sa puwesto noong 2020 matapos ang kontro­bersyal na “Sorsogon bubble.”

Naging coach din ang tubong Sorsogon ng Mun­tinlupa at Bicol teams sa MPBL.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with