^

PM Sports

Clarkson lalaro bilang naturalized player ng Gilas

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasado na ang pagsalang ni Filipino-American stalwart Jordan Clarkson para sa Gilas Pilipinas su­balit bilang naturalized player lamang at hindi local player.

Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), bumigay na sila sa ilang taong apela sa FIBA na ituring ang Fil-Am bilang local player kaya ipaparada na siya bilang naturalized player sa fourth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong buwan.

“Hindi na puwede yung pagiging local. Tinanggap na namin na naturalized player ‘yung classification niya sa FIBA,” ani SBP spokesperson at executive director Sonny Barrios sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum kahapon.

Ayon sa FIBA, kaila­ngang magkaroon ng pasaporte bago maging 16-anyos ang isang manlalaro upang maging local player sa bansang lalaruan niya.

Matagal na itong inilaban ng SBP dahil may Philippine passport si Clarkson nang 12-anyos pa lang subalit sa kasamaang palad at anumang  dahilan ay hindi naapubrahan ang kanilang apela.

Isang naturalized player lang sa kada koponan ang puwedeng isalang sa mga FIBA tournaments.

Ito ang pupunan ni Clarkson sa Qualifiers sa Agosto 25-29 kontra Lebanon at Saudi Arabia bagama’t may isa pang na­turalized player ang Gilas sa katauhan ni Ange Kouame na injured ngayon.

Noong 2018 Asian Games ay naglaro si Clarkson para sa Gilas subalit bilang local player dahil hindi ito isang FIBA-sanctioned tournament.

Sa susunod na linggo ina­asahang dara­ting sa bansa si Clarkson upang samahan ang initial pool ng Gilas na binubuo nina Dwight Ramos, Carl Tamayo, Kevin Quimbao, Bobby Ray Parks Jr., Thirdy Ravena at Kiefer Ravena.

Sunod na ihahayag ng SBP ang mga PBA reinforcements na tutulong sa koponan pagkatapos ng semifinals ng idinaraos na 2022 PBA Philippine Cup ngayong linggo.

GILAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with