^

PM Sports

‘The Blur’ itinakas ang TNT sa game 3

Russell Cadayona - Pang-masa
�The Blur� itinakas ang TNT sa game 3
Sumalaksak si Jayson Castro ng TNT Tropang Giga laban kay Magnolia forward Calvin Abueva.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Sinapawan ni Jayson Castro si Mark Barroca sa dulo ng laro sa duwelo ng mga veteran guards.

Ipinasok ni Castro ang kanyang game-winning three-point shot sa hu­ling 2.4 segundo para sa 93-92 panalo ng TNT Tro­pang Giga sa Magno­lia sa Game Three ng 2022 PBA Philippine Cup semifinals series kahapon sa Smart Araneta Colise­um.

Kumolekta ang 39-anyos na ‘The Blur’ ng 16 points para sa 2-1 abante ng Tropang Giga sa kanilang best-of-seven duel ng Hotshots.

“That was ran exactly the way we wanted, quick inbound to Jayson and the bigs giving him the screen,” wika ni head coach Chot Reyes.

Umiskor si Poy Erram ng 22 points, habang may tig-15 markers sina Mikey Williams at Glenn Khobuntin.

Nauna nang isinalpak ni Barroca ang krusyal na layup sa nalalabing 9.8 se­gundo ng fourth period para sa 92-90 bentahe ng Magnolia.

Matapos makuha ang inbound ay nagmadaling nagdribol si Castro, ginamit ang dalawang picks bago isalpak ang kanyang step-back triple para sa 93-92 abante ng TNT sa natitirang 2.4 segundo.

Bigo naman si Paul Lee na maipasok ang kan­yang tangkang tres sa huling posesyon ng Hotshots.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with