^

PM Sports

Bigating supporter ng sports

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Pagkatapos masibak ang tropang Choco Mucho ni Deanna Wong sa semifinals ng PVL Invitational Conference, alam kong maraming nalungkot, pero may ikinatuwa ako.

Nakakatuwang very much appreciated ni President Bongbong Marcos, Jr. ang pagkapanalo ni Dave “Dobermann” Apolinario ng International Boxing Organization world flyweight title kamakailan.

Minor title lang ang napanalunan ni Apolinario, pero siya ang nagbigay sa atin ng pag-asa na madaragdagan ang mga pambato nating boxers para mag­karoon ulit tayo ng world boxing champions matapos maubos isa-isa ang mga world boxing title-holders natin.

Malabo nang makabalik si Manny Pacquiao pero puwede pa namang bumawi ang mga dating world titlists na sina Nonito Donaire, Jr., Johnriel Casimero, Jerwin Ancajas at  Donnie Nietes, Mark Magsayo at Rene Cuarto.

Pero mas nakakatuwang malaman na may big supporter hindi lamang ang mga boxers kundi ang lahat ng mga atleta sa katauhan ng walang iba kundi si Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Masaya siya at proud sa panalo ni Apolinario na nag-courtesy call sa kanya sa Malakanyang.

Sa Facebook ni Pa­ngulong Marcos kung saan binati at ipinagma­laki niya si Apolinario,  iginiit niya ang suporta sa mga atleta,

“Ang kanyang (Apolinario) dedikasyon at pagsusumikap na ipi­na­malas sa larangan ng boksing ay di matatawaran at karapat-dapat lamang na ipagmalaki. Makakaasa po kayo na ating susuportahan ang mga susunod na laban ng bawat atletang Pilipino.”

vuukle comment

DEANNA WONG

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with