^

PM Sports

EJ ibabalik ng PATAFA sa national team

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang pagbabalik ni pole vaulter Ernest John Obiena sa national team.

Sinabi ng bagong PATAFA president na si Agapito Capistrano sa PSC na ibabalik nila sa national team roster ang World No. 3 pole vaulter matapos ang kanyang mga tagumpay sa mga nakaraang international tournaments.

Isa sa mga ito ay ang 2022 World Athletics Championships kung saan inangkin ng 6-foot-2 na si Obiena ang bronze medal na kauna-unahang medalya ng bansa sa naturang world meet sa Oregon, USA.

Binasag din niya ang Asian record para sa bagong 5.94-meter mark.

Ayon kay Capistrano, ieendorso nila si Obiena sa PSC na bigyan ng parehong allowances na dating natatanggap niya bilang isang world class athlete.

“I see no problem with the endorsement, EJ deserves to be back in the team,” ani PSC Officer in charge, Atty. Guillermo Iroy, Jr.

Dahil dito ay inaasahang mas lalong pagsisikapan ng 26-anyos na pole vaulter na manalo pa sa mga lalahukang torneo kasama ang target na ikalawang Olympics stint sa Paris, France sa 2024.

“Skill-wise, I do believe that I’m No. 3 or No. 2, I’m definitely up there,” sabi ni Obiena. “I do believe in my abilities to compete and I hope my numbers would represent what my work has been.”

PATAFA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with