^

PM Sports

Army sinibak ng Cignal

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nalusutan ng Cignal HD ang Philippine Army, 26-24, 26-28, 25-18, 18-25, 16-14, upang sumampa sa win column ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference semifinal round kahapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Hindi maawat si middle blocker Ria Meneses nang magpako ito ng 23 puntos tampok ang 21 attacks para umangat ang HD Spikers sa 1-1 baraha.

Naging matibay na katuwang ni Meneses si outside hitter Ces Molina na nagtala ng 13 attacks, dalawang blocks at isang ace habang kumana naman si team captain Rachel Anne Daquis ng 15 hits para sa Cignal.

“Very thankful kami kasi medyo mabigat talaga ung napagdaanan namin before the start of the semis,” ani HD Spikers head coach Shaq delos Santos.

Nanguna para sa Lady Troopers si Jovelyn Gonzaga na umiskor ng 21 puntos at walong receptions ngunit hindi ito sapat para dalhin ang kanilang tropa sa panalo.

Tuluyan nang nahulog sa 0-3 ang Lady Troopers para masibak sa kontensiyon.

Sa ikalawang laro, namayani ang Open Confe­rence  champion  Creamline sa PLDT Home Fibr, 22-25, 25-27, 25-21, 25-19, 15-12, upang manatiling malinis ang rekord nito.

Nasolo ng Cool Smashers ang liderato tangan ang 2-0 rekord habang bagsak naman ang High Speed Hitters sa 2-1 marka.

Samantala, hindi na makalalaro pa ang Kobe Shinwa Women’s University ng Japan matapos magpositibo ang isa sa mga players nito.

Magiging kapalit ng Kobe Shinwa ang national team na babanderahan ng mga NU standouts kabilang na sina Mhicaela Belen, Jennifer Nierva at Alyssa Solomon.

PHILIPPINE ARMY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with