^

PM Sports

Dausdos ng Ginebra

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Matapos talunin ang San Miguel Beer at nagdiretso ng ratsada kahit wala si coach Tim Cone, inasahan ng marami na suwabeng papasok ang Barangay Ginebra sa Top Two, at maaaring kunin pa ang top spot sa PBA Philippine Cup playoffs.

Pero dahil sa back-to-back losses ng Ginebra sa TNT at Meralco, maluwag na bumukas ang pinto para sa pag-usad ng San Miguel Beer bilang top seed.

At naiwan ang Gin Kings (6-3) na kabangga ang TNT (8-3), Blackwater (5-3), Magnolia (5-3) at Meralco (5-3) sa mainit at mahigpit na homestretch fight para sa second spot.

Ang mas masama pa sa Gin Kings at sa kanilang mga panatiko, biglang dehado sila sa laban dahil sa blowout losses sa kamay ng Tropang Giga at Bolts.

Talo sila sa quotient tiebreak kung kasama sa logjam ang TNT at Meralco at haharapin ang mapait na sitwasyon na pagbagsak sa best-of-three quarterfinals sa halip na magsukbit ng twice-to-beat advantage.

Tingin ni Meralco sub coach Luigi Trillo, lumambot ang mga hita ng Gin Kings sa mabigat na schedule sa mga nagdaang araw.

Magaang na tinalo ng Gi­nebra ang Converge (105-89) at ang Terrafirma (106-82) kaya’t nabigyan ng katiwasayan si coach Cone habang nakaupo sa Miami Heat bench sa NBA Summer League.

Kaya lang bigla ang ka­nilang pagbagsak nang makaharap ang TNT (92-106) at Meralco (73-90). At kasama dito ang pagka­upos ng init ng puntiryang twice-to-beat bonus sa quarterfinals.

Kung makakasama ang Magnolia sa multiple tie, lalong babagsak ang quotient ng Ginebra dahil ta­lo rin sila sa Hotshots (84-89).

Kaya’t kamot na lang ng balakubak ang mga Ginebra fanatics sa tropa na­min sa Kubo ni Kandong Pabaya.

SAN MIGUEL BEER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with