^

PM Sports

Perez iginiya ang SMB sa solong liderato

Russell Cadayona - Pang-masa
Perez iginiya ang SMB sa solong liderato
Pinuwersa ni CJ Perez ng San Miguel ang kanyang Rain or Shine defender.
PBA Image

MANILA, Philippines — Muling napasakamay ng San Miguel ang so­long liderato matapos gi­bain ang Rain or Shine, 99-93, sa PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Bumida na naman si CJ Perez matapos magposte ng 21 points, 5 assists at 4 rebounds para sa ikalawang sunod na arangkada ng Beermen at ilista ang 5-1 record.

Humakot si six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 16 boards, 10 markers, 7 assists at 3 blocks.

“Alam ko naman na mahihirapan akong tumanggap ng bola dahil maganda iyong gameplan nila para sa akin,” ani Fajardo. “Kailangang mag-step up lahat.”

Nadulas ang Elasto Painters (1-5) sa ikaapat na dikit na kabiguan.

Ang layup ni Bron­dial ang nagbigay sa SMB ng 11-point lead, 95-84, sa huling 2:17 minuto ng final canto matapos kunin ang 73-70 abante sa pagtiklop ng third period.

Sa inisyal na laro, ipinasok ni veteran guard Jayson Castro ang kru­syal na tres sa huling 33.9 segundo para akayin ang nagdedepensang TNT Tro­pang Giga sa 117-112 panalo sa NorthPort.

Kumolekta si Castro ng 17 points, 8 assists, 6 rebounds at 2 steals para sa ikaapat na sunod na panalo ng Tropang Giga (6-2).

 

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with