^

PM Sports

Solo liderato tangka ng SMB

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hangad ng San Mi­guel na muling masolo ang liderato habang target ng nagdedepensang TNT Tropang Giga ang ikaapat na sunod na pa­nalo sa PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Co­liseum.

Makakatapat ng Beermen ang Rain or Shine Elasto Painters ngayong alas-6 ng gabi matapos ang salpukan ng Tropang Giga at NorthPort Batang Pier sa alas-3 ng hapon.

Kasalukuyang magkasosyo sa unahan ng team standings ang Barangay Ginebra at San Mi­guel sa magkaparehong 4-1 record kasunod ang Blackwater (3-1), TNT (5-2), NLEX (3-2), Meralco (3-2), Magnolia (3-3), NorthPort (2-4), Converge (2-4), Phoenix (2-4), Rain or Shine (1-4) at Terrafirma (0-5).

Bumawi ang Beermen mula sa kabiguan sa Gin Kings matapos talunin ang FiberXers, 111-92, tampok ang triple-double na 15 points, 13 rebounds at 12 assists ni CJ Perez.

“Iniisip ko lang talaga, ma-involve iyong mga team­mates ko ngayon, and sa mga susunod pang games sana,”ani Perez.

Sa unang laro, itatala ng Tropang Giga ang kanilang ikaapat na sunod na arangkada laban sa Batang Pier.

“We have four games left, and we have to get as many wins as we can,” ani TNT coach Chot Reyes. “And then we’re going to get a two-week break, I think, while the other teams are still playing.”

Galing ang PLDT franchise sa 87-72 paggiba sa Phoenix tampok ang 27 points, 7 assists, 6 rebounds at 2 steals ni Season 46 Rookie of the Year Mikey Williams.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with