^

PM Sports

Purefoods hari ng Leg 6 ng PBA 3x3

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umiskor si Joseph Eriobu ng 11 points para tulungan ang Purefoods TJ Titans sa 20-16 pagdaig sa TNT Tropang Giga sa finals ng Leg 6 ng PBA 3x3 Third Conference kahapon sa Robinsons Place sa Ermita, Manila.

Nagdagdag si Jed Mendoza ng 4 points habang may 3 at 2 markers sina Jun Bonsubre at Marvin Hayes, ayon sa pagkakasunod.

Inangkin nina Eriobu, Mendoza, Bonsubre at Hayes ng TJ Titans ang prem­yong P100,000 habang nakuntento sina Almond Vosotros, Samboy De Leon, Ler­vin Flores at Ping Exciminiano sa P50,000 bilang runner-up.

Ang two-point shot ni Mendoza ang kaagad nag­bigay sa TJ Titans ng 8-2 abante sa 7:31 minuto ng labanan bago isalpak ni Hayes ang isang layup para iwanan ang TNT sa 15-8 sa huling 3:04 minuto.

Para umusad sa cham­­­pionship game ay ti­nalo ng Purefoods ang Meralco, 19-17, sa semis habang umiskor ang TNT ng 18-16 panalo sa Limitless Appmasters.

Samantala, inangkin ng Meralco ang third pla­ce matapos itakas ang 18-17 panalo kontra sa Li­­­mitless Appmasters.

Isinalpak ni Dexter Mai­quez ang game-winning fallaway jumper sa hu­ling pitong segundo para makuha ng Bolts ang premyong P30,000.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with