^

PM Sports

Lyceum hataw ng No. 3 win

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakabalik sa porma ang Lyceum of the Philippines University matapos pataubin ang Colegio de San Juan de Letran, 25-14, 25-22, 28-30, 25-12, kahapon sa National Collegiate Athletic Association Season 97 women’s volleyball tournament sa Paco Arena sa Maynila.

Parehong bumanat sina Zonxi Dahab at Johna Dolorito ng 18 puntos para pamunuan ang Lady Pirates sa panalo.

Umakyat ang Lyceum sa 3-2 rekord para sa ikatlong puwesto.

Humataw pa sina Janeth Tulang at Jewel Maligmat ng tig-11 puntos para makatuwang sina Dahab at Dolorito sa opensa.

Nakalikom naman si Venice Puzon ng 32 excellent sets habang nagsilbing lider sa floor defense si Camille Belaro matapos umiskor ng 32 digs at 15 excellent receptions.

Lumasap ang Lady Knights ng ikaapat na ka­biguan para malaglag sa 1-4 baraha.

Nangibabaw para sa Letran si Shereena Urmenta na umiskor ng 10 points at 11 digs.

Nasayang din ang 12 digs at 15 excellent receptions ni Lara Silva.

Dikdikan ang laban sa fourth set nang magpaka­wala ang Lady Pirates ng 12-0 bomba upang matamis na kunin ang panalo.

Magpapatuloy ang bak­bakan ngayong araw tampok ang duwelo ng San Sebastian College-Recoletos at University of Perpetual Help System Dalta sa alas-12 ng tanghali kasunod ang engku­wentro ng San Beda Uni­­versity at Emilio Agui­­naldo College sa alas-2:30 ng hapon. 

NCAA

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with