^

PM Sports

Heavyweight clash

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Maagang magkakasukatan ng lakas sa PBA Season 47 ang dalawang titans sa paghaharap ngayon ng San Miguel Beer at Barangay Ginebra sa Mall of Asia Arena.

Duel of heavyweights.

Ito ang isa sa pasok na katawagan sa banggaan na ito — matchup ng dalawang koponan na kumopo ng 14 championships sa huling labingwalong konperensya ng liga.

Walo ang sa San Miguel Beer at anim naman ang sa Barangay Ginebra.

Sister teams sila sa giant SMC umbrella, pero bakbakang umaatikabo kapag nagharap sa hardcourt.

At yan ang inaasahan sa kanilang 6 p.m. setto sa Pasay City playing venue.

Mithiin nina June Mar Fajardo at teammates na isustina ang unbeaten winning run (3-0), samantalang target nina Scottie Thompson at mga kakampi (3-1) na tigbakin ang mga Beermen upang agawin ang tournament leadership.

Syempre parehong kampeonato ang end goal ng dalawang prem­yadong koponan.

Nais palawigin ng Gin Kings ang lumala­gong dynasty, sila na ruling team sa kasalukuyan – kampeon ng tatlong beses sa huling apat na PBA conferences.

Habol naman ng Beer­men na ibalik ang ka­nilang pamamayag­pag, highlighted ng li­mang sunod na Phi­lippine Cup cham­pionships simula noong 2014-15 campaign.

Friday grindout? Malamang!

SAN MIGUEL BEER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with