^

PM Sports

Trabaho lang

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Patuloy ang dating ng playing offers para sa mga Pinoy cagers na Iumaro sa pro leagues abroad.

Latest na puntirya si FEU super rookie RJ Abarrientos kasunod ang bahagyang naunang offer kay Ateneo guard SJ Balangel mula sa Korean league.

Naunang namitas ng mga Filipino basketball ta­lents ang Japan B.League at kasama sa nailabas mu­la sa local leagues sina Thirdy Ravena, Bobby Ray Parks, Dwight Ramos, Kiefer Ravena at iba pa.

Malamang na marami pang kasunod.

Parehong nakukuhanan ng mga players ang PBA at ang mga collegiate leagues.

Hindi puwedeng magreklamo ang PBA dahil ka­­­rapatan ng mga manlalaro na mag-entertain at tu­­manggap ng magandang oportunidad kagaya ng mga Filipino doctors, nurses, teachers at iba pa na ma­­bili abroad.

Walang ibang option kung hindi palakasin ang ating ekonomiya, pala­kasin ang ating bayan upang maging compe­titive at mapigil ang pa­ngingibang ba­­yan ng ating mga kababayan sa paghanap ng mas ma­­gandang ikabubuhay.

Hindi madali ang ka­nilang ginagawa dahil kailangan nilang lu­ma­yo sa kanilang mga pamilya sa pagkuha ng mas magandang ganan­sya.

Hindi sila dapat pag­tampuhan.

Narito ang gaya ni­na Ateneo coach Tab Baldwin at interim Gilas coach Nenad Vuci­nic na wa­lang dudang habol din ang ganansya kapalit ang pag-share ng kanilang talent sa Phi­lippine basketball.

Ika nga di Daboy: Wa­lang personalan, trabaho lang.

WORK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user