^

PM Sports

3 key players ng Converge wala pang kontrata

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Wala pang naikakasang kontrata sina Abu Tratter, Mav Ahanmisi at Rob Herndon sa Converge ilang araw bago mag­simula ang PBA Sea­son 47.

Ayon kay Coverge representative to PBA Board Chito Salud,  ka­sa­­­lukuyang may negosasyon pa ang koponan sa tatlong players kaya’t wala pang linaw kung anong kontrata ang mai­seselyo para sa kanila.

Nakatakda nang mag­simula ang Season 47 sa Hunyo 5 kung saan isa ang Converge sa mga unang masisilayan sa ope­­ning day ng liga.

Nauna nang nakapirma sa Converge sina 6-foot-7 Jeo Ambohot ng back-to-back NCAA champion Letran at 6-foot-5 center Justin Arana ng Arellano University.

Binigyan si Ambohot ng tatlong taon na kontrata habang may two-year deal naman si Arana.

Nakuha rin ng FiberXers sina 6-foot-2 athletic forward Dave Murrell mula sa NLEX at sina first round picks Tyrus Hill at Kurt Lojera.

Umaasa ang pamu­nuan ng Converge na magkasundo na agad sa kontrata nina Tratter, Ahanmisi at Herndon lalo pa’t ilang araw na lamang ang nalalabi bago magsimula ang season.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with