UAAP volley balik aksyon na!

MANILA, Philippines — Matapos ang bakba­kan sa cheerdance, magpapatuloy ang aksyon sa UAAP women’s volleyball tournament sa Hu­webes tampok ang apat na bakbakan sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Unang sasalang ang Adamson University at University of Santo Tomas sa alas-10 ng umaga kasunod ang University of the East at University of the Philippines sa alas-12:30 ng tanghali.

Masisilayan naman sa pang-hapon na laro ang duwelo ng Far Eas­tern University at reig­ning champion Ateneo de Manila University sa alas-4.

Inaabangan na ang pagtutuos ng National University at De La Salle University sa alas-6:30 ng gabi.

Namamayagpag ang Lady Bulldogs na may imakuladang 7-0 rekord — ang pinakamagandang baraha nito sa first round sa kasaysayan ng kanilang paglalaro sa liga.

Pumapangalawa naman ang Tigresses at Lady Spikers na may parehong 5-2 baraha habang nasa ikaapat ang Lady Falcons na may 4-3 kartada.

Advertising
Scroll to continue

Bagsak sa bottom four ang Lady Eagles na may 3-4 marka katulad ng rekord ng Lady Maroons para pagsosyohan ang No. 5 spot.

Nasa ikaapito ang Lady Tamaraws na may 1-6 marka at pinakahuli ang Lady Warriors na wala pang panalo sa pitong laro.

Sisikapin ng NU na maipagpatuloy ang do­mi­nasyon nito sa second round lalo pa’t inaasahang mas titindi ang labanan para sa Final Four slots.

 

Show comments