Letran mas nahirapan sa Season 97

MANILA, Philippines — Dalawang taon at anim na buwan ang hi­nintay ng Letran Knights para maidepensa ang kanilang NCAA championship na napanalunan nila noong Nobyembre ng 2019.

Noong Linggo ay kinumpleto ng Knights ang 12-sweep sa Season 97 matapos dominahin ang Mapua Cardinals, 2-0, sa kanilang best-of-three championship series para sa back-to-back title.

“Mahirap itong pandemic na liga coming from more than two years na bakante,” ani head coach Bonnie Tan sa back-to-back crowns ng Intramuros-based cagers.

Dahil sa coronavirus disease (COVID-19) ay napuwersa ang NCAA na kanselahin ang Season 96 bago naituloy ang Season 97 noong Abril sa isang bubble setup.

“I don’t know kung masasabi natin na mas masaya, pero mas mahirap itong season na ito compared to last season,” pagkukumpara ni Tan.

Inangkin ng Knights ang kanilang pang-19 NCAA title para lumapit sa 22 championships ng San Beda Red Lions.

Advertising
Scroll to continue

Hinirang si Letran high-flyer Rhenz Abando bilang Rookie of the Year at Most Valuable Player  habang kinilala si PBA-bound Jeo Ambohot bilang Finals MVP.

Tinapos ng 6-foot-7 na si Ambohot ang kanyang NCAA career na may 13 points at 9 rebounds.

Show comments