Boston tinablahan ang Miami
MIAMI — Humataw si Jayson Tatum ng 27 points para pamunuan ang Boston Celtics sa 127-102 pagresbak sa Heat sa Game Two ng kanilang Eastern Conference finals.
Nagdagdag ng tig-24 markers sina Marcus Smart at Jaylen Brown para sa 1-1 pagtabla ng Boston sa kanilang serye ng Miami.
“Guys have pride and looked at a golden opportunity that we kind of lost (in Game 1) and thought we could do much better,” sabi ni coach Ime Udoka.
May 19 points si Grant Williams at may tig-10 markers sina Payton Pritchard at Al Horford para sa Celtics na kumamada ng 17-0 atake sa dulo ng first quarter patungo sa 70-45 pagbaon sa Heat sa halftime.
Naputol ito ng Miami sa 17-point deficit sa third period bago naghulog ang Boston ng 12-2 bomba para muling makalayo sa 96-71 papasok sa final canto.
Umiskor si Jimmy Butler ng 29 points para sa Heat at may tig-14 at 11 markers sina Gabe Vincent at Victor Oladipo at Tyler Herro, ayon sa pagkakasunod.
Dadalhin ang Game Three sa Boston kung saan nila bitbit ang ang home-court advantage laban sa Miami.
- Latest