^

PM Sports

Pinas ‘di bibitaw sa top 3

Russell Cadayona - Pang-masa
Pinas âdi bibitaw sa top 3
Ang bowling team na kumuha ng ginto sa 31st Southeast Asian Games.
Jun Mendoza

Ladon, Marcial swak sa finals

MANILA, Philippines — Nahirapan ang Pilipinas na makahanap ng gintong medalya kaha­pon sa nalalapit na pagtatapos ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Inangkin nina bowlers Merwin Tan, Christian Dychangco, Ivan Malig at Patrick Nuqui ang ginto nang magpagulong ng 5275 pinfalls sa team-of-four event.

Sinapawan naman ni judoka Rene Furukawa si Chu Myat Noe Wai ng Myanmar sa finals ng women’s -57 kilogram division para sa ikala­wang ginto ng bansa.

Nalaglag ang Pinas sa No. 4 spot sa medal standings sa nahakot na 40 golds, 57 silvers at 77 bronzes sa ilalim ng bagong overall champion na Vietnam (152-90-82), Thailand (62-65-95) at Indonesia (41-61-56).

Maaaring mabawi ng mga Pinoy athletes ang No. 3 seat matapos umusad sa finals sina Tokyo Olympics bronze me­dalist Eumir Felix Marcial (men’s -75) at Rogen Ladon (men’s -52kg) sa boxing event.

Nakuntento sa bronze sina James Palicte (men’s -63kg), Josie Gabuco (women’s -48kg) at Riza Pasuit (women’s -57kg) nang matalo sa semis.

May inaasahan ding gold sa esports dahil sa pag-abante ng Team Philippines-Sibol sa finals ng Mobile Legends: Bang Bang men’s division mula sa 2-1 panalo sa Singapore sa semis.

Nauna nang sinikwat ng all-female team Sibol-Grindsky Eris ang ginto sa League of Legends: Wild Rift event kamakalawa.

Pumitas ng silver sina judokas John Viron Ferrer (men’s -90kg) at Keisei Nakano (men’s -73kg), chess players IM Paulo Bersamina at GM Dar­win Laylo (men’s team rapid), Christine Hal­lasgo (women’s ma­rathon), archers Paul Marton Dela Cruz at Jennifer Chan (mixed team compound), wrestlers Al­vin Lobreguito (men’s freestyle -57kg) at Jhonny Morte (men’s freestyle -65kg).

Nag-ambag ng bronze sina chess players WIM Marie Antoinette San Die­go at WGM Janelle Mae Frayna (women’s team rapid event), archers Paul Marton Dela Cruz, Flor Matan at Johann Olaño (men’s team compound), gymnast B­reanna Labadan (women’s indi­vidual all-around), Hermie Macaranas at Ojay Fuentes (men’s canoe double 1,000m) at taek­wondo jins Samuel Morrison (men’s -60kg) at Israel Cesar Cantos (men’s -87kg).

 

 

 

BOWLING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with