^

PM Sports

Blue Eagles itutuloy ang pananalasa sa Tigresses

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pakay ng defending champion Ateneo Blue Eagles na ilipad ang pang-apat na sunod na panalo sa pagharap nila sa University of Santo Tomas Golden Tigresses sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament ngayong araw sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Muling kakapitan ng Blue Eagles si Faith Nisperos sa paglarga ng kanilang laban sa alas-4 ng hapon habang makakatuwang nito sa opensa si Vanie Gandler.

Nagtala si Nisperos ng 19 points habang tumikada si Gandler ng 16 puntos at 14 digs nang talunin nila ang University of the East Lady Red Warriors 25-14, 20-25, 25-11, 25-14 at sikwatin ang three-game winning streak noong Martes.

Tangan ang 3-3 karta, inaasahang mapapalaban ng todo ang Blue Eagles sa Golden Tigresses na galing din sa panalo.

Kapit ang 4-2 record, pinagpag ng Golden Tigresses sa five sets ang matikas din na Adamson University Lady Falcons, 12-25, 25-19, 25-22, 18-25, 15-9.

Samantala sa iba pang laban, mag­babanatan ang Adamson at UE sa alas-10 ng umaga, magkatapat ang University of the Philippines Lady Ma­roons at National Uni­versity Lady Bulldogs sa alas-12 ng tanghali at huli ang hatawan sa pagitan ng De La Salle University Lady Spikers at Far Eastern University Lady Tamaraws sa alas-6 ng gabi.

vuukle comment

BLUE EAGLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with