^

PM Sports

4 pang ginto sa Pinas

Russell Cadayona - Pang-masa
4 pang ginto sa Pinas
Sinargo ni Rubilen Amit ang ginto sa billiard event sa SEA Games.
Jun Mendoza

Lumalaban sa 2nd place

MANILA, Philippines — Iniligtas nina billiards queen Rubilen Amit, 400-meter hurdles king Eric Cray, taekwondo jin Kurt Barbosa at muay thai pair Islay Erika Bomogao at Rhichein Yosorez ang kampanya ng Pilipinas sa 31st Southeast Asian Games.

Ito ay matapos kumuha ng apat na gold medals sina Amit, Cray, Barbosa, Bomogao at Yosorez sa kani-kanilang mga events kahapon sa Hanoi, Vietnam.

Sinargo ng 40-anyos na si Amit ang ginto sa women’s 9-ball singles matapos talunin si Singaporean Jessica Chan, 7-2, sa finals.

Pinagreynahan ng tubong Mandaue, Cebu ang event noong 2005 at 2009 SEA Games at nagdomina sa 10-ball singles noong 2005, 2007, 2009 at 2019 editions.

May aasahan ding gold ang bansa sa men’s 9-ball singles na paglalabanan nina Carlo Biado at Johann Chua sa isang all-Pinoy finals ngayon.

Itinakbo ng 33-anyos na si Cray ang ginto sa men’s 400m hurdles sa bilis na 50.41 segundo para sa kanyang pang-li­mang sunod na paghahari sa event ng SEA Games.

Sinipa ni Barbosa, isang Tokyo Olympian, ang gold sa men’s -54kg mula sa kanyang 16-7 demolisyon kay Panachai Jaijilla ng Thailand sa finals.

Umiskor naman sina Bomogao at Yosorez ng 8.68 points para magreyna sa women’s wai kru mai all-female event ng muay.

Nag-ambag ng silver medal sina swimmer Chloe Isleta sa women’s 100m backstroke, Mark Harry Diones sa men’s triple jump, Sarah Dequi­nan sa women’s heptathlon at fencers Samantha Catantan, Wilhelmina Lo­zada Justine Gail Tinio at Maxine Esteban sa women’s foil team event.

Kumuha ng bronze sina William Morrison sa men’s discus throw, Ro­byn Brown sa wo­men’s 400m hurdles, taek­won­do jin Laila Delo sa women’s 67kg, swimmer Jessica Geriane sa women’s 100m backstroke, cyclist Jericho Rivera sa men’s MTB Cross Country at ang se­pak takraw team nina Ja­son Huerte, Rheyjey Ortouste, Ronsted Gaba­yeron, Mark Joseph Gon­zales at John John Bobier sa men’s regu.

Sa karate, sisimulan ngayon nina Fil-Japanese Junna Tsukii at Jamie Lim ang pagdedepensa sa kanilang mga korona.

 

RUBILEN AMIT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with