^

PM Sports

Yulo tatanggap ng P1.8 milyong cash incentives

Russell Cadayona - Pang-masa
Yulo tatanggap ng P1.8 milyong cash incentives
Caloy Yulo.

MANILA, Philippines — Humigit-kumulang sa P1.8 milyon ang matatanggap ni two-time world champion Caloy Yulo matapos ang kanyang kampanya sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Kumolekta ang 22-anyos na Pinoy gymnast ng limang gold medals sa men’s floor exercise, vault, still rings, horizontal bar at individual all-around at may dalawang silver sa team event at parallel bars.

Sa pommel horse lamang siya hindi nakahablot ng anumang medalya. Ang isang gold medal sa SEA Games ay may katumbas na cash incentive na P300,000 habang ang silver at bronze ay P150,000 at P60,000, ayon sa pagkakasunod.

Sa team events ay maghahati naman ang mga miyembro ng koponan sa insentibo.

Noong 2019 Manila SEA Games ay nagsubi si Yulo ng dalawang gold at limang silver medals.

Sa kanyang pagbabalik sa Japan kasama si Japanese coach Munehiro Kugimiya ay kaagad sasalang sa ensayo ang Batang Maynila bilang preparasyon sa mga lalahukang torneo ngayong taon.

Isa sa mga ito ay ang Asian Gymnastics Cham­pionships sa Hunyo 15-18 sa Doha, Qatar na quali­fying tournament para sa 41st FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Liverpool, England sa Oktubre.

Humakot ang national gymnastics team ng 7 golds, 4 silvers at 1 bronze sa kanilang kampanya sa Vietnam SEA Games kasama ang dalawang ginto ni Fil-Am Aleah Finnegan sa vault at women’s team event.

 

CALOY YULO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with