^

PM Sports

Bautista pasok sa semis ng men’s boxing

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umabante si featherweight Ian Clark Bautista sa semifinals matapos umiskor ng unanimous decision win kay Singaporean Mohammad Hanurdeen Bin sa boxing event ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Lalabanan ng 27-anyos na tubong Binalbagan, Negros Occidental sa semis sa Biyernes si Cambodian Rangsey Sao na tinalo si Sheikh Rahmatullah ng Malaysia sa isa pang quarterfinals bout.

Nakatakdang harapin kagabi ni lightweight James Palicte si Cambodian Touch Davit sa quarterfinals matapos dominahin si Vietnamese Vu Thanh Dat, 4-1.

Sasagupain din ni Thai Open champion at 2019 gold medalist Rogen Ladon si Malaysian Muhammad Abdul Qaiyum sa quarterfinals ng flyweight class.

Nawalan naman ng tiyak na silver medal ang bansa nang magdesisyon ang mga organizers na alisin ang women’s middleweight division dahil sa kakulangan ng entries.

Si dating wushu artist at Thai Open champion Hergie Bacyadan ang lahok ng bansa sa nasabing weight category bukod sa pambato ng Vietnam.

Apat na entries ang kailangan para maisagawa ang isang event.

CLARK BAUTISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with