^

PM Sports

Ganuelas-Rosser hinugot ng Blackwater

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napasakamay ni Brandon Ganuelas-Rosser ang top pick overall sa PBA Season 47 Annual Rookie Draft na idinaos sa Robinsons Place Manila sa Ermita.

Walang iba kundi ang Blackwater ang humugot kay Ganuelas-Rosser para maging No. 1 pick sa taong ito.

Galing si Ganuelas-Rosser sa kampanya ng Gilas Pilipinas men’s 3x3 sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam kung saan bahagi ito ng koponan na nakasungkit ng tansong medalya.

Nakuha naman ng Terrafirma si Jeremiah Gray bilang second pick.

Sa kabila ng injury, hindi na pinakawalan ng Terrafirma si Gray na kasalukuyang nagpapagaling sa kanyang ACL kung saan sa Enero pa ito inaasahang mabibigyan ng clearance para makapaglaro.

Nasikwat naman ng baguhang Converge si Jeo Ambohot bilang No. 3 pick habang kinuha din ng FiberExers si Justin Arana bilang No. 4 pick.

Ang Converge ang bumili sa prangkisa ng Alaska Aces na nagpasyang lisanin na ang liga matapos ang ilang dekadang pagsabak nito sa aksyon.

Napunta naman si Gian Mamuyac sa Rain or Shine bilang No. 5 pick.

Pasok naman sa first round picks sina No. 6 JM Calma (Northport), No. 7 Tyrus Hill (NLEX), No. 8 Javi Gomez de Liaño (Barangay Ginebra), No. 9 Kurt Lojera (Blackwater), No. 10 Shaun Ildefonso (Rain or Shine), No. 11 Mark Dyke (Blackwater) at No. 12 Keith Zaldivar (Magnolia).

 

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with