^

PM Sports

UP nakatikim uli ng korona

Russell Cadayona - Pang-masa
UP nakatikim uli ng korona
Nagdiwang ang UP Fighting Maroons matapos tanghaling kampeon sa UAAP Season 84.

Tinalo ang Ateneo sa OT

MANILA, Philippines — Napatid na ang pagkauhaw sa korona ng University of the Philippines matapos ang 36 taon.

Isinalpak ni guard Joel Cagulangan ang game-winning three-point shot sa huling 0.5 segundo para sa 72-69 overtime victory ng Fighting Maroons sa Ateneo Blue Eagles sa deciding Game Three ng UAAP Season 84 men’s basketball finals kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Tinapos ng UP ang best-of-three championship series nila ng Ateneo sa 2-1 para makamit ang unang UAAP title sapul noong 1986 sa panahon nina Benjie Paras, Ronnie Magsanoc at Eric Altamirano sa ilalim ni legen­dary coach Joe Lipa.

Diniskaril din ng tro­pa ni coach Goldwin Mon­teverde ang hangad na ‘four-peat’ ng koponan ni mentor Tab Baldwin.

Ang ikalawang tres ni Gian Mamuyac ang nagbigay sa Blue Eagles ng 69-64 kalamangan sa huling 1:47 minuto ng overtime.

Ang tres ni Cagula­ngan at slam dunk ni Malick Diouf ang nagtabla naman sa Fighting Maroons sa 69-69 sa natitirang 39.7 segundo.

Matapos ang mintis na jumper ni Dave Ildefonso para sa Ateneo sa nalalabing 16 segundo ay isinalpak ni Cagulangan ang kanyang game-winning triple para sa UP sa huling 0.5 segundo.

Kinuha ng Figh­ting Maroons ang 31-22 abante sa 3:22 minuto ng second quarter mula sa tres ni Cagulangan at naagaw ng Blue Eagles ang 59-56 kalamangan sa huling 56.7 segundo sa fourth period.

Dinala ni CJ Cansino ang UP sa extra period matapos kumonekta ng tres sa natitirang 47.8 segundo.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with