^

PM Sports

Heat diretso sa Conference Finals

Pang-masa

PHILADELPHIA — Humataw si Jimmy Butler ng 32 points para ihatid ang Miami Heat sa Eastern Conference finals sa 99-90 pagsibak sa 76ers sa Game Six ng kanilang semifinals series.

Itiniklop ng Heat ang kanilang semis showdown ng 76ers sa 4-2 at lalabanan sa conference finals ang mananaig sa semis matchup ng nagdedepensang Mil­waukee Bucks at Boston Celtics.

“Now I’m where I belong,” sabi ni Butler sa paggiya sa Miami sa ikala­wang conference finals sa huling tatlong seasons. “Guess where I should have been a long time ago.”

Humakot naman si NBA scoring champion Joel Embiid ng 20 points at 12 rebounds habang may 11 markers si James Harden para sa Philadelphia.

Sa Dallas, kumolekta si Luka Doncic ng 33 points sa 113-86 dominasyon ng Mavericks sa Phoenix Suns para makahirit ng Game Seven sa kanilang Western Conference semifinals series.

Nagdagdag si Doncic ng 11 rebounds at 8 assists para sa 3-3 pagtabla ng Dallas sa Phoenix sa kanilang duwelo.

Umiskor si Reggie Bullock ng 19 points at may 18 at 15 markers sina Jalen Brunson at Spencer Dinwiddie, ayon sa pagkakasunod, para sa Mave­ricks na kinuha ang 60-45 halftime lead.

Nagtala si Devin Booker ng 19 points sa panig ng Suns.

JIMMY BUTLER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with