La Salle reresbak sa UE
MANILA, Philippines — Sisikapin ng De La Salle University na kalsuhan ang two-game skid sa pagharap nila sa naghihingalong University of the East sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament ngayong alas-12 ng tanghali sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Natalisod ang Lady Spikers kamakalawa ng gabi kontra University of Santo Tomas Golden Tigresses, 24-26, 25-22, 27-25, 23-25, 12-25, nalasap nila ang pangalawang sunod na kabiguan.
Tangan ang 2-2 record, huhugot ng puwersa ang Taft-based squad, DLSU kina rookie Alleiah Malaluan, Jolina Dela Cruz at Thea Gagate para panain ang pangatlong panalo.
Bagama’t nakapagtala si Malaluan ng 26 markers, 22 excellent receptions at 18 digs ay hindi ito sumapat para katayin ang UST kaya kailangan ay mas pag-igihan pa ang laro para makuha ang inaasam na panalo.
Samantala, ang ibang nakatokang magbakbakan ay ang Far Eastern University Lady Tamaraws at Adamson Lady Falcons sa alas-10 ng umaga; UST Golden Tigresses laban sa NU Lady Bulldogs sa alas-12 ng tanghali at UP Fighting Maroons kontra sa Ateneo Blue Eagles sa alas-6 ng gabi.
- Latest